Friday, September 7, 2012

Ang 7 hilig ng Pinoy


Festivals – Mula sa Sinulog, Lanzones, Masskara, Bangus o maging Aswang Festival ang Pilipinas na yata ang bansang napakaraming festivals. Dahil likas sa mga Filipino ang pagiging masayahin, sa mga pagdiriwang na ito ay naipapamalas natin na kahit ano mang pagsubok na duma-an tuloy parin ang buhay dahil araw-araw dapat magdiwang sa mga biyayang galing sa itaas.

Videoke- Hindi ganap ang okasyon kung walang kantahan at maging sa pagkaraniwang araw ang pagbirit sa videoke ang paboritong pampalipas ng oras ng mga Pilipino. Noon pa man,kahit hindi pa uso ang videoke sadyang napakahilig na ng mga pinoy na kumanta. Sa mga fiesta nandiyan ang patimpalak ng pagkanta at maraming mga sikat na mang-aawit sa Pilipinas ang natuklasan dahil sa pagsali nito. Dahil nga sa hilig ng mga pinoy sa kanta inimbinto ng ating kababayan na si Roberto del Rosario ang “Minus-One” noong 1975 na sinasabing naging batayan ng mga Hapones sa kanilang pagkalikha ng Karaoke.

Artista- Karamihan sa mga Pilipino nahihibang sa mga Artista, at mas maraming kabataan ngayon ang mas gustong mag-artista kay sa ano mang propisyon.Kahit bihana o binagyo man, nawasak man ang kabuhayan magdala lang si Mayor ng relief goods na artista ang mag-aabot, naku! tiyak abot tainga na ang ngiti ng nasalantang pinoy. Pag ikaw pulitiko, tiyak dudumugin ang pangangampanya mo kung may bitbit kang Artista sa iyong pagiikot sa Pilipinas, at kung ikaw may produktong nais maibinta kahit wala namang kakwenta-kwenta kumuha ka lang ng sikat na artista na mag indorso nito tiyak ubos yang produkto mo.

Reality Shows- Dahil nga sa hilig ng pinoy sa showbiz at lahat gusto mag-artista at sumikat, patok na patok sa pinoy ngayon ang reality show tulad ng Fear Factor, Pilipinas got talent, Pinoy Big Brother at kung ano-ano pa. Napakahilig nating maki usyoso sa buhay ng may buhay at gusto nating pag-usapan at subaybayan ang kaganapan sa harap ng ating telibisyon. Likas na sismoso ang pinoy kaya naging phenomenal reality show sa Pinas ang Pinoy big brother.

Malling- Nagsulputan ang ibat-ibang Mall ngayon sa Pinas at halos lahat na bagay nasa loob na ng mall makikita. Kahit naman walang pera basta makagala lang sa mall ayos na. Biruin mo, malamig na komportable ka pa at mas “IN” ito kay sa gumala ka sa Musuem o sa Park. Mula sa isdang tilapia hanggang sa mamahaling barong makikita mo dito. May ilang mga mall pa nga na may mga Technical schools sa loob at ang katabi pa ay Game arcade. Ayos! At may mga mall pang nagdadaos ng Sunday Mass sa loob mismo ng mall habang ang isang nanay ay hindi makapakinig ng maayos sa sermon dahil habol sya ng habol sa anak na gustong pumasok sa loob ng Jollibee. Ay naku!

3 days sale- Kapag ito ang nagaganap tiyak ang matinding traffic ang iyong daranasin. Hibang na hibang ang mga pinoy sa mga sale na ito. Siksikan, pilahan, maging dukutan ay kadalasang nangyayari sa ganitong panahon. Hindi naman lahat na pumunta sa mga sale na ito ay talagang mamimili ang iba sa kanila ay mga masasamang loob na naghahanap lang ng tiempo kung kaylan titira, dahil nga habang parami na parami at pasikip na pasikip palapit na palapit din ang pagkakataon para ang mga ito ay makabiktima.

Deadlines – Mahilig ang karamihang pinoy sa “a bukas na lang yan” kaya tuwing deadline saka pa nagkukumahog na gawin ang lahat na bagay na sabay-sabay. Pag may disconnection notice na saka pa magbabayad, pag huling araw na sa filling saka pa mag papa file. Ang masama, ang lahat na pinoy na ganito ang kasipan ay magkasa-sama sa parahong lugar at araw kung kaylan ang dealine, kaya, imbis na magmamadali ka mas lalo kang naantala sa sobrang haba ng pila ng mga pinoy namahilig sa deadlines.

No comments:

Post a Comment