Tuesday, September 4, 2012

Ang 7 bagay na naging USO sa Pinas.


      Pampa-puti- Para sa karamihang Pinoy, pag maputi maganda. Di bali na pango basta maputi. Di bali na kulobot basta maputi. Dahil sa kaisipang ito lumago ang negosyo ng whitening soap, whitening lotion, at kung ano-ano pang pampahid at nakalimutan na natin na ang kulay kayumangi ay ang ating pagkakakilan-lan bilang Pilipino.

2.      Motorsiklo- Pamporma man o panghanap buhay, ang pagkakaroon ng motorsiklo ang isa sa mga bagay na naging uso ngayon sa pinas. Maliban sa maraming naglipanang mga mura at sub standard ng mga motorsiklo, mas madali na ngayon makautang kahit saan. May 2000 ph to 5000 ph ka lang na pang downpayment  ayos na. Sa kalsada usong –uso ngayon sa mga pinoy ang naka motor, kaya uso din ang disgrasya, uso din ang hulihan sa kalsada, uso din ang pagtatago sa tuwing may collector na naninigil at uso din ang motor na iimbargo dahil sa ilang buwan hindi pagkakabayad.

3.     Cellphone- Sa panahon ngayon pag wala kang cp hindi ka IN. Ultimo mga kalakal boys may cp na, at karamihan ng mga Pilipino ay tila hindi na mabubuhay pag nawala ito. Mas maraming Pilipino ang gugustuhin magkaroon ng bagong cp kay sa pagkakaroon ng ibang bagay.

4.       Unlimited text and call- Kakambal ng pagkaloko natin sa cp ay ang pagkahumaling din natin sa unlimited text and call na pinapa-in sa atin ng mga higanting telephone company. Akala natin nakatipid tayo pero ang totoo hindi. Text ng text at tawag ng tawag kahit naman hindi mahalaga ang ating pakay para lang magamit natin ang nasabing promo. Wala ng pahinga ang ating cp at mga daliri sa kaka text sa wala namang saysay na usapan. Ang resulta, madali nasisira ang cp natin dahil sa sobrang gamit, lalong tuma-as ang electric bill natin dahil sa palagi-an pag charge ng cp natin, pananakit ng mga daliri at ang ilang joint ng ating katawan at pagiging un productive natin dahil nawalan kana ng gana na gumawa ng ibang makabuluhang bagay dahil naloloko kana sa pagtetext.

5.        Pangungutang- Bombay, Lending at bangko ang 3 tatlong pangunahing lumalago dahil sa hilig ng mga pinoy ngayon mangutang. Pansinin mo yang may mga tindihan, karenderia at may mga pwesto sa palingke diba araw-araw may mamang matangkad na maitim naka longslevess at nakamotor ang romoronda. Sa mga factory worker naman, teacher, pulis at iba pang nagigipit na may buwanang sahod, sa LONDON ang punta as in Loan doon loan dito.

6.       Pag aabroad- Mahirap daw ang Pinas at marami daw opportunity sa ibang bansa kaya ang pagiging OFW ang isa sa uso sa pinas. Pakiramdam din mga kamag-anak na naiwan dito sa pinas mayaman na sila dahil tatay o nanay o kaya kapatid nila nasa ibang bansa. Kung makahingi ito ng mga pasalubong wagas na wagas, hindi nila alam ang hirap ng buhay alipin sa ibang bansa. Ito namang OFW pagkauwi sa pinas kung makawaldas ng kita “one day millionaire” ang asta, kaya, ang resulta pagkatapos ng maraming taon na paghihirap sa ibang bansa pag-uwi dito sa pinas ganun pa rin.



7.      Teenage pregnancy- Nakaka alarma ang pagtaas ng mga kabataan kakabuntis o nabubuntis sa pinas ngayon. Ang dahilan ay nakapa komplikado at mahirap matutunton. Ngunit kung titignan mo ang ilan bagay nakasulat sa itaas na naging uso ngayon sa pinas, tila bagang magkatugdong-tugdong ang mga ito upang mabuo ang kwento ng teenage pregnancy. Halimba ang Cellphone ano kaya ang ambag nito. Ang pagkakaroon ng motorsiko halimba, ilang bang kabataan ang makikita natin na nakakarating kahit saan dahil madali na para sa kanila gawin ito. At dahil nasa ibang bansa ang kanilang ina o ama walang naggagabay sa kanila kaya ang resulta buntis dito buntis doon. Dumani ang mga single mom, dumarami din ang illegitimate child, dumarami ang broken family at dumadami ang sakit ulo ng pamahalaan.

No comments:

Post a Comment