Friday, September 28, 2012

10 nakakatawang PAMAHIIN ng pinoy


1.      Kahit gaano ka dumi ang bahay mo, Huwag kang magwalis kapag gabi kasi itinataboy mo daw ang swerte.


2.      Mag-alaga ka na lang ng garapata kay sa mag alaga ka ng itim na pusa, malas daw ito.


3.      Pagsinukat mo ang damit pangkasal mamalasin daw ang ikakasal. Ang totoo ayaw lang nilang ipasukat upang wala ng ibang mapagpili-an ang bride para minus abala at gastos!


4.      Huwag mag regalo ng panyo sa iyong kasintahan, naku paiiyakin mo lang daw ito sa huli. Bakit naman kasi panyo pa, pwede naman diamond ring.



5.      Kailangan mo lawayan sa noo o kaya sa tiyan ang batang kaharutan mo baka kasi daw ma usog. Oo laway talaga!


6.      Huwag mag pa litrato ng tatlo, mamatay daw yung nasa gitna. Ang totoo paraan lang ito ng mga photographer dati para kumita sila ng marami. Pinapalabas nila na malas upang ang tatlong tao magpapalittrato bawat kuha na iba ang kasama, diba?


7.      Maghihirap daw ang pamilya kapag naglalapag ng pera sa hapag kainan. Bakit naman nakarating ang pera sa hapag kainan? Ang dumi kaya niyan.


8.      Pag may pumasok na brown na paru-puro sa bahay mo, may swerting darating. Pagkulay puti may magandang balitang darating. Pag kulay itim may mamatay na malapit sa iyo. Eh kung paru-parong kulay puti na may batik batik na itim at brown ano kaya ang ibig sabihin nun?


9.      Pag dalawa daw puyo, sutil daw ito. Bakit ang kalabaw masunurin at masipag?



10.  Ang batang iyakin paglaki daw nito ay malakas ang loob at masipag. Samantala ang batang tahimik at palatulog paglaki nito ay burara at tamad.


Friday, September 7, 2012

Ang 7 hilig ng Pinoy


Festivals – Mula sa Sinulog, Lanzones, Masskara, Bangus o maging Aswang Festival ang Pilipinas na yata ang bansang napakaraming festivals. Dahil likas sa mga Filipino ang pagiging masayahin, sa mga pagdiriwang na ito ay naipapamalas natin na kahit ano mang pagsubok na duma-an tuloy parin ang buhay dahil araw-araw dapat magdiwang sa mga biyayang galing sa itaas.

Videoke- Hindi ganap ang okasyon kung walang kantahan at maging sa pagkaraniwang araw ang pagbirit sa videoke ang paboritong pampalipas ng oras ng mga Pilipino. Noon pa man,kahit hindi pa uso ang videoke sadyang napakahilig na ng mga pinoy na kumanta. Sa mga fiesta nandiyan ang patimpalak ng pagkanta at maraming mga sikat na mang-aawit sa Pilipinas ang natuklasan dahil sa pagsali nito. Dahil nga sa hilig ng mga pinoy sa kanta inimbinto ng ating kababayan na si Roberto del Rosario ang “Minus-One” noong 1975 na sinasabing naging batayan ng mga Hapones sa kanilang pagkalikha ng Karaoke.

Artista- Karamihan sa mga Pilipino nahihibang sa mga Artista, at mas maraming kabataan ngayon ang mas gustong mag-artista kay sa ano mang propisyon.Kahit bihana o binagyo man, nawasak man ang kabuhayan magdala lang si Mayor ng relief goods na artista ang mag-aabot, naku! tiyak abot tainga na ang ngiti ng nasalantang pinoy. Pag ikaw pulitiko, tiyak dudumugin ang pangangampanya mo kung may bitbit kang Artista sa iyong pagiikot sa Pilipinas, at kung ikaw may produktong nais maibinta kahit wala namang kakwenta-kwenta kumuha ka lang ng sikat na artista na mag indorso nito tiyak ubos yang produkto mo.

Reality Shows- Dahil nga sa hilig ng pinoy sa showbiz at lahat gusto mag-artista at sumikat, patok na patok sa pinoy ngayon ang reality show tulad ng Fear Factor, Pilipinas got talent, Pinoy Big Brother at kung ano-ano pa. Napakahilig nating maki usyoso sa buhay ng may buhay at gusto nating pag-usapan at subaybayan ang kaganapan sa harap ng ating telibisyon. Likas na sismoso ang pinoy kaya naging phenomenal reality show sa Pinas ang Pinoy big brother.

Malling- Nagsulputan ang ibat-ibang Mall ngayon sa Pinas at halos lahat na bagay nasa loob na ng mall makikita. Kahit naman walang pera basta makagala lang sa mall ayos na. Biruin mo, malamig na komportable ka pa at mas “IN” ito kay sa gumala ka sa Musuem o sa Park. Mula sa isdang tilapia hanggang sa mamahaling barong makikita mo dito. May ilang mga mall pa nga na may mga Technical schools sa loob at ang katabi pa ay Game arcade. Ayos! At may mga mall pang nagdadaos ng Sunday Mass sa loob mismo ng mall habang ang isang nanay ay hindi makapakinig ng maayos sa sermon dahil habol sya ng habol sa anak na gustong pumasok sa loob ng Jollibee. Ay naku!

3 days sale- Kapag ito ang nagaganap tiyak ang matinding traffic ang iyong daranasin. Hibang na hibang ang mga pinoy sa mga sale na ito. Siksikan, pilahan, maging dukutan ay kadalasang nangyayari sa ganitong panahon. Hindi naman lahat na pumunta sa mga sale na ito ay talagang mamimili ang iba sa kanila ay mga masasamang loob na naghahanap lang ng tiempo kung kaylan titira, dahil nga habang parami na parami at pasikip na pasikip palapit na palapit din ang pagkakataon para ang mga ito ay makabiktima.

Deadlines – Mahilig ang karamihang pinoy sa “a bukas na lang yan” kaya tuwing deadline saka pa nagkukumahog na gawin ang lahat na bagay na sabay-sabay. Pag may disconnection notice na saka pa magbabayad, pag huling araw na sa filling saka pa mag papa file. Ang masama, ang lahat na pinoy na ganito ang kasipan ay magkasa-sama sa parahong lugar at araw kung kaylan ang dealine, kaya, imbis na magmamadali ka mas lalo kang naantala sa sobrang haba ng pila ng mga pinoy namahilig sa deadlines.

Thursday, September 6, 2012

Ang 10 pinakamayamang Siyudad sa Pilipinas sa taong 2012


1     Quezon City - P9,481,843,421 average annual income


2.     Makati City -  P8,506,297,825



3.     Manila City -  P7,947,958,242




4.     Pasig City - P4,542,992,364





5.     Davao City - P3,534,206,628




6.     Cebu City - P3,347,869,301




7.     Caloocan City - P3,064,732,758




8.     Paranaque City- P2,977,948,388




9.     Muntinlupa City - P2,448,908,683




10.  Taguig City - P2,281,171,091



Source:


Tuesday, September 4, 2012

Ang 7 bagay na naging USO sa Pinas.


      Pampa-puti- Para sa karamihang Pinoy, pag maputi maganda. Di bali na pango basta maputi. Di bali na kulobot basta maputi. Dahil sa kaisipang ito lumago ang negosyo ng whitening soap, whitening lotion, at kung ano-ano pang pampahid at nakalimutan na natin na ang kulay kayumangi ay ang ating pagkakakilan-lan bilang Pilipino.

2.      Motorsiklo- Pamporma man o panghanap buhay, ang pagkakaroon ng motorsiklo ang isa sa mga bagay na naging uso ngayon sa pinas. Maliban sa maraming naglipanang mga mura at sub standard ng mga motorsiklo, mas madali na ngayon makautang kahit saan. May 2000 ph to 5000 ph ka lang na pang downpayment  ayos na. Sa kalsada usong –uso ngayon sa mga pinoy ang naka motor, kaya uso din ang disgrasya, uso din ang hulihan sa kalsada, uso din ang pagtatago sa tuwing may collector na naninigil at uso din ang motor na iimbargo dahil sa ilang buwan hindi pagkakabayad.

3.     Cellphone- Sa panahon ngayon pag wala kang cp hindi ka IN. Ultimo mga kalakal boys may cp na, at karamihan ng mga Pilipino ay tila hindi na mabubuhay pag nawala ito. Mas maraming Pilipino ang gugustuhin magkaroon ng bagong cp kay sa pagkakaroon ng ibang bagay.

4.       Unlimited text and call- Kakambal ng pagkaloko natin sa cp ay ang pagkahumaling din natin sa unlimited text and call na pinapa-in sa atin ng mga higanting telephone company. Akala natin nakatipid tayo pero ang totoo hindi. Text ng text at tawag ng tawag kahit naman hindi mahalaga ang ating pakay para lang magamit natin ang nasabing promo. Wala ng pahinga ang ating cp at mga daliri sa kaka text sa wala namang saysay na usapan. Ang resulta, madali nasisira ang cp natin dahil sa sobrang gamit, lalong tuma-as ang electric bill natin dahil sa palagi-an pag charge ng cp natin, pananakit ng mga daliri at ang ilang joint ng ating katawan at pagiging un productive natin dahil nawalan kana ng gana na gumawa ng ibang makabuluhang bagay dahil naloloko kana sa pagtetext.

5.        Pangungutang- Bombay, Lending at bangko ang 3 tatlong pangunahing lumalago dahil sa hilig ng mga pinoy ngayon mangutang. Pansinin mo yang may mga tindihan, karenderia at may mga pwesto sa palingke diba araw-araw may mamang matangkad na maitim naka longslevess at nakamotor ang romoronda. Sa mga factory worker naman, teacher, pulis at iba pang nagigipit na may buwanang sahod, sa LONDON ang punta as in Loan doon loan dito.

6.       Pag aabroad- Mahirap daw ang Pinas at marami daw opportunity sa ibang bansa kaya ang pagiging OFW ang isa sa uso sa pinas. Pakiramdam din mga kamag-anak na naiwan dito sa pinas mayaman na sila dahil tatay o nanay o kaya kapatid nila nasa ibang bansa. Kung makahingi ito ng mga pasalubong wagas na wagas, hindi nila alam ang hirap ng buhay alipin sa ibang bansa. Ito namang OFW pagkauwi sa pinas kung makawaldas ng kita “one day millionaire” ang asta, kaya, ang resulta pagkatapos ng maraming taon na paghihirap sa ibang bansa pag-uwi dito sa pinas ganun pa rin.



7.      Teenage pregnancy- Nakaka alarma ang pagtaas ng mga kabataan kakabuntis o nabubuntis sa pinas ngayon. Ang dahilan ay nakapa komplikado at mahirap matutunton. Ngunit kung titignan mo ang ilan bagay nakasulat sa itaas na naging uso ngayon sa pinas, tila bagang magkatugdong-tugdong ang mga ito upang mabuo ang kwento ng teenage pregnancy. Halimba ang Cellphone ano kaya ang ambag nito. Ang pagkakaroon ng motorsiko halimba, ilang bang kabataan ang makikita natin na nakakarating kahit saan dahil madali na para sa kanila gawin ito. At dahil nasa ibang bansa ang kanilang ina o ama walang naggagabay sa kanila kaya ang resulta buntis dito buntis doon. Dumani ang mga single mom, dumarami din ang illegitimate child, dumarami ang broken family at dumadami ang sakit ulo ng pamahalaan.