Sa kabila ng mga negative at worst na bansag sa ilang mga bagay sa Pilipinas, mas maraming mga positive at the best sa mundo na makikita sa sa pinas.
1. World's BEST HOTEL 2012 - Discovery Shores, Boracay, Philippines- Ayon sa travel and leisure.com ang hotel na ito ay pasok bilang rank number 5 sa pinaka d' best the hotel sa taong 2012 na may 96.77% na score.
2. Best secret beaches on earth - Panglao Island, Bohol, Philippine - Napili din ang islang ito ng travel and leisure.com bilang hindi masyado kilala ngunit may nakatagong ganda at mabansangan bilang isa sa pinaka the best secret beaches on earth.
3. World BEST ISLAND 2012 - Boracay, Philippines- Sa taong ito rank number 1 ang Boracay kategoryang ito. Naungosan niya ang Bali, Indonisia at at ilan pang sikat sa isla sa mundo. Para sa kumplitong listahan sa top 10 sa pinaka the best island 201 marari mo itong makita sa LINK na ito.
4.World' BEST private-island resort - Amanpulo, Philippines - Ayon sa cntraveller.com ang private-island na ito ay world's best. Matatagpuan sa Pamilican Island sa Palawan ang resort na ito ay pagmamay-ari ng Aboitez, Soriano at Aman Resort group.
5. Best strongest economy 2012 - Ang economy ng pinas ang isa sa pinaka malakas at maganda sa taong ito. Ayon deutsche-analyst sa darating na taon 2050 titingala-in ang pinas dahil sa ganda ng takbo ng ekonomiya.
6.World BEST Bank 2012 country winner - Metrobank- Kinilala ang galing ng sariling ating bilang world's best bank sa taong ito. Para sa complete list sa mga nanalo i click lang ang LINK na ito.
7. World BEST BOXERS - Manny Pacquio/ Nonito Donaire - Pasok ang ating 2 kababayan sa top 5 sa the world best Boxer. Talaga naman ang kanilang galing ay hindi matatawaran.
8. World best 7 wonders of nature- Puerto Princesa Underground River, Philippines
9. World's best country in business English - Ayon sa news.yahoo.com/ph ang Pilipinas ang the best country in business English at tinalbugan pa nito ang America.
10. 1000 best choirs in the world - 19 na choral groups mula sa ibat-ibang bahagi ng Pilipinas ang pasok sa 1000 best choirs in the world. Rank number 46 ang Kilyawan boys choir nakapagdala na rin ng maraming karangalan sa ating bansa. Para sa listahan sa iba pang choral groups i click lang ang LINK na ito.
Friday, November 2, 2012
Friday, September 28, 2012
10 nakakatawang PAMAHIIN ng pinoy
1. Kahit gaano ka dumi ang bahay mo, Huwag kang magwalis kapag gabi kasi itinataboy
mo daw ang swerte.
2. Mag-alaga ka na lang ng garapata kay
sa mag alaga ka ng itim na pusa, malas daw ito.
3. Pagsinukat mo ang damit
pangkasal
mamalasin daw ang ikakasal. Ang totoo ayaw lang nilang ipasukat upang wala ng
ibang mapagpili-an ang bride para
minus abala at gastos!
4. Huwag mag regalo ng
panyo sa iyong kasintahan, naku paiiyakin mo lang daw ito sa
huli. Bakit naman kasi panyo pa, pwede naman diamond ring.
5. Kailangan mo lawayan
sa noo o kaya sa tiyan ang batang kaharutan mo baka kasi daw ma
usog. Oo laway talaga!
6. Huwag mag pa
litrato ng tatlo, mamatay daw yung nasa gitna. Ang totoo paraan
lang ito ng mga photographer dati
para kumita sila ng marami. Pinapalabas nila na malas upang ang tatlong tao
magpapalittrato bawat kuha na iba ang kasama, diba?
7. Maghihirap daw ang pamilya kapag naglalapag ng pera sa hapag kainan. Bakit
naman nakarating ang pera sa hapag kainan? Ang dumi kaya niyan.
8. Pag may pumasok na brown na paru-puro sa bahay mo, may swerting darating.
Pagkulay puti may magandang balitang darating. Pag kulay itim may mamatay na
malapit sa iyo. Eh kung paru-parong kulay puti na may batik batik na itim at
brown ano kaya ang ibig sabihin nun?
9. Pag dalawa
daw puyo, sutil daw ito. Bakit ang kalabaw masunurin at masipag?
10. Ang batang
iyakin paglaki daw nito ay malakas ang loob at masipag.
Samantala ang batang tahimik at palatulog paglaki nito ay burara at tamad.
Friday, September 7, 2012
Ang 7 hilig ng Pinoy
Festivals – Mula sa Sinulog, Lanzones, Masskara,
Bangus o maging Aswang Festival ang Pilipinas na yata ang bansang napakaraming
festivals. Dahil likas sa mga Filipino ang pagiging masayahin, sa mga
pagdiriwang na ito ay naipapamalas natin na kahit ano mang pagsubok na duma-an
tuloy parin ang buhay dahil araw-araw dapat magdiwang sa mga biyayang galing sa
itaas.
Videoke- Hindi ganap ang okasyon kung walang
kantahan at maging sa pagkaraniwang araw ang pagbirit sa videoke ang paboritong
pampalipas ng oras ng mga Pilipino. Noon pa man,kahit hindi pa uso ang videoke
sadyang napakahilig na ng mga pinoy na kumanta. Sa mga fiesta nandiyan ang
patimpalak ng pagkanta at maraming mga sikat na mang-aawit sa Pilipinas ang
natuklasan dahil sa pagsali nito. Dahil nga sa hilig ng mga pinoy sa kanta inimbinto
ng ating kababayan na si Roberto del Rosario ang “Minus-One” noong 1975 na
sinasabing naging batayan ng mga Hapones sa kanilang pagkalikha ng Karaoke.
Artista- Karamihan sa mga Pilipino nahihibang sa mga
Artista, at mas maraming kabataan ngayon ang mas gustong mag-artista kay sa ano
mang propisyon.Kahit bihana o binagyo man, nawasak man ang kabuhayan magdala
lang si Mayor ng relief goods na
artista ang mag-aabot, naku! tiyak abot tainga na ang ngiti ng nasalantang
pinoy. Pag ikaw pulitiko, tiyak dudumugin ang pangangampanya mo kung may bitbit
kang Artista sa iyong pagiikot sa Pilipinas, at kung ikaw may produktong nais
maibinta kahit wala namang kakwenta-kwenta kumuha ka lang ng sikat na artista
na mag indorso nito tiyak ubos yang produkto mo.
Reality Shows- Dahil nga sa hilig ng pinoy sa showbiz
at lahat gusto mag-artista at sumikat, patok na patok sa pinoy ngayon ang
reality show tulad ng Fear Factor,
Pilipinas got talent, Pinoy Big Brother at kung ano-ano pa. Napakahilig
nating maki usyoso sa buhay ng may buhay at gusto nating pag-usapan at
subaybayan ang kaganapan sa harap ng ating telibisyon. Likas na sismoso ang
pinoy kaya naging phenomenal reality show
sa Pinas ang Pinoy big brother.
Malling- Nagsulputan ang ibat-ibang Mall ngayon sa Pinas at halos lahat na bagay nasa
loob na ng mall makikita. Kahit naman walang pera basta makagala lang sa mall
ayos na. Biruin mo, malamig na komportable ka pa at mas “IN” ito kay sa gumala
ka sa Musuem o sa Park. Mula sa isdang tilapia hanggang sa
mamahaling barong makikita mo dito. May ilang mga mall pa nga na may mga Technical schools sa loob at ang katabi
pa ay Game arcade. Ayos! At may mga
mall pang nagdadaos ng Sunday Mass sa
loob mismo ng mall habang ang isang nanay ay hindi makapakinig ng maayos sa
sermon dahil habol sya ng habol sa anak na gustong pumasok sa loob ng Jollibee.
Ay naku!
3 days sale- Kapag ito ang nagaganap tiyak ang matinding traffic ang iyong daranasin.
Hibang na hibang ang mga pinoy sa mga sale na ito. Siksikan, pilahan, maging
dukutan ay kadalasang nangyayari sa ganitong panahon. Hindi naman lahat na
pumunta sa mga sale na ito ay talagang mamimili ang iba sa kanila ay mga
masasamang loob na naghahanap lang ng tiempo kung kaylan titira, dahil nga
habang parami na parami at pasikip na pasikip palapit na palapit din ang
pagkakataon para ang mga ito ay makabiktima.
Deadlines – Mahilig ang karamihang pinoy sa “a bukas na lang yan” kaya tuwing deadline saka pa nagkukumahog na gawin ang
lahat na bagay na sabay-sabay. Pag may disconnection
notice na saka pa magbabayad, pag huling araw na sa filling saka pa mag papa file.
Ang masama, ang lahat na pinoy na ganito ang kasipan ay magkasa-sama sa parahong
lugar at araw kung kaylan ang dealine, kaya, imbis na magmamadali ka mas lalo
kang naantala sa sobrang haba ng pila ng mga pinoy namahilig sa deadlines.
Thursday, September 6, 2012
Ang 10 pinakamayamang Siyudad sa Pilipinas sa taong 2012
1 Quezon
City - P9,481,843,421 average annual income
2.
Makati
City - P8,506,297,825
3.
Manila
City - P7,947,958,242
Tuesday, September 4, 2012
Ang 7 bagay na naging USO sa Pinas.
1 Pampa-puti-
Para sa karamihang Pinoy, pag maputi maganda. Di bali na pango basta maputi. Di
bali na kulobot basta maputi. Dahil sa kaisipang ito lumago ang negosyo ng
whitening soap, whitening lotion, at kung ano-ano pang pampahid at nakalimutan
na natin na ang kulay kayumangi ay ang ating pagkakakilan-lan bilang Pilipino.
2. Motorsiklo-
Pamporma man o panghanap buhay, ang pagkakaroon ng motorsiklo ang isa sa
mga bagay na naging uso ngayon sa pinas. Maliban sa maraming naglipanang mga
mura at sub standard ng mga motorsiklo, mas madali na ngayon makautang kahit
saan. May 2000 ph to 5000 ph ka lang na pang downpayment ayos na. Sa kalsada usong –uso ngayon sa mga
pinoy ang naka motor, kaya uso din ang disgrasya, uso din ang hulihan sa
kalsada, uso din ang pagtatago sa tuwing may collector na naninigil at uso din
ang motor na iimbargo dahil sa ilang buwan hindi pagkakabayad.
3. Cellphone-
Sa panahon ngayon pag wala kang cp hindi ka IN. Ultimo mga kalakal boys may cp
na, at karamihan ng mga Pilipino ay tila hindi na mabubuhay pag nawala ito. Mas
maraming Pilipino ang gugustuhin magkaroon ng bagong cp kay sa pagkakaroon ng
ibang bagay.
4. Unlimited
text and call- Kakambal ng pagkaloko natin sa cp ay ang pagkahumaling din
natin sa unlimited text and call na pinapa-in sa atin ng mga higanting
telephone company. Akala natin nakatipid tayo pero ang totoo hindi. Text ng
text at tawag ng tawag kahit naman hindi mahalaga ang ating pakay para lang
magamit natin ang nasabing promo. Wala ng pahinga ang ating cp at mga daliri sa
kaka text sa wala namang saysay na usapan. Ang resulta, madali nasisira ang cp
natin dahil sa sobrang gamit, lalong tuma-as ang electric bill natin dahil sa
palagi-an pag charge ng cp natin, pananakit ng mga daliri at ang ilang joint ng
ating katawan at pagiging un productive natin dahil nawalan kana ng gana na
gumawa ng ibang makabuluhang bagay dahil naloloko kana sa pagtetext.
5. Pangungutang-
Bombay, Lending at bangko ang 3 tatlong pangunahing lumalago dahil sa hilig ng
mga pinoy ngayon mangutang. Pansinin mo yang may mga tindihan, karenderia at
may mga pwesto sa palingke diba araw-araw may mamang matangkad na maitim naka
longslevess at nakamotor ang romoronda. Sa mga factory worker naman, teacher,
pulis at iba pang nagigipit na may buwanang sahod, sa LONDON ang punta as in
Loan doon loan dito.
6. Pag
aabroad- Mahirap daw ang Pinas at marami daw opportunity sa ibang bansa
kaya ang pagiging OFW ang isa sa uso sa pinas. Pakiramdam din mga kamag-anak na
naiwan dito sa pinas mayaman na sila dahil tatay o nanay o kaya kapatid nila
nasa ibang bansa. Kung makahingi ito ng mga pasalubong wagas na wagas, hindi
nila alam ang hirap ng buhay alipin sa ibang bansa. Ito namang OFW pagkauwi sa
pinas kung makawaldas ng kita “one day millionaire” ang asta, kaya, ang resulta
pagkatapos ng maraming taon na paghihirap sa ibang bansa pag-uwi dito sa pinas
ganun pa rin.
7. Teenage
pregnancy- Nakaka alarma ang pagtaas ng mga kabataan kakabuntis o
nabubuntis sa pinas ngayon. Ang dahilan ay nakapa komplikado at mahirap
matutunton. Ngunit kung titignan mo ang ilan bagay nakasulat sa itaas na naging
uso ngayon sa pinas, tila bagang magkatugdong-tugdong ang mga ito upang mabuo
ang kwento ng teenage pregnancy. Halimba ang Cellphone ano kaya ang ambag nito.
Ang pagkakaroon ng motorsiko halimba, ilang bang kabataan ang makikita natin na
nakakarating kahit saan dahil madali na para sa kanila gawin ito. At dahil nasa
ibang bansa ang kanilang ina o ama walang naggagabay sa kanila kaya ang resulta
buntis dito buntis doon. Dumani ang mga single mom, dumarami din ang illegitimate
child, dumarami ang broken family at dumadami ang sakit ulo ng pamahalaan.
Subscribe to:
Posts (Atom)