Saturday, December 5, 2015

10 OPM (Original Pinoy Music) na mapagkamalan mong Imported

Ang galing natin sa kantahan at englisan ang dahilan kung bakit ang ating musika ay mapagkamalan nilikha at kinanta ng mga banyaga. Ang sumusunod na 10 kanta ay iilan lamang sa mga kantang likhang pinoy na tunog banyaga.






10.      Forevermore – Side A





9.     Rainbow - south border





8. Next in line - Wency Cornejo





7.       Close you and I – Gino Padilla





6.     Whoops kiri – Fruit cake





5.      Same ground – Kitchie Nadal



1.  


4.     Before I let you go – Free style





3.     I’ll  never go – Nexxus Band





2. Kaleidoscope world – Francis Magallona





1.       Be my lady – Martin Nievera




Saturday, February 9, 2013

10 Eskandalo sa buhay ng mga Pilipino


Scandal, Scam and controversy

Maraming mga isyu at pangyayari sa ating bansa na nag pamangha, gimbal,gulat, at galit  sa atin bilang mga Pilipino. Ang ilan nito ay nagpakilala sa atin bilang Pilipino, ang iba naman humubog sa ating kasay-sayan . Ang sumusunod ay ilan lang sa mga scandal, scam at controversy na pinagpistahan natin sa nakalipas na panahon. Maaring i click ang title para sa link.


2. Imelda Marcos Shoes Collection










8 . Chief Justice Renato Corona  




 

9. 1994 Metro Manila Film scam

 

10.  GMA 7/AGB Nielsen TV ratings manipulation scandal 




Saturday, January 26, 2013

Filipino foods - All time favorites


Ang kulang daw sa pag-kaing pinoy kung kaya hindi ito ganun ka kilala tulad ng mga pagkain sa Thailand, Japan at Italy ay ang presentation. Ngunit ganun pa man ang mga pagkain na ito ay pag iyong natikman ay may kakaibang lasa na iyong balik-balikan. Ang sumusunod ay ang all time favorites ng mga pinoy na tiyak na hindi ninyo matatangihan.

1.Adobo – Ang masasabing pambasang ulam. Hindi ka matatawag na pinoy pag hindi mo ito natikman at nagustuhan.


2.Halo-Halo – Talagang makulay ang buhay ng pinoy at ito ay iyong makikita sa bawat serving ng halo-halo.


3. Pinakbet – Ang pinaka healthy na pagka-ing pinoy na kahit sa-ang dako sa pilipinas ito ay kinagigiliwan.


4.Puto’t Dinuguan- Kahit ipinagbawal para sa iba, ngunit ito ay naging basihan kung bakit masarap ang bawal.


5. Banana Q- Ang pinakakilala snack sa pinas. Mula sa kanto hanggang sa mga canteen sikat ang saging na ito.


6.Inasal- Bago pa man na uso ang unlimited rice sa Mang Inasal, ang pagka-ing ito ay patok na sa matagal na panahon sa mga lansangan lalo sa Visayas at Mindanao.


7. Bagoong at manggang hilaw – Naku sa larawan palang tiyak maglalaway kana.



8.Balot – Kahit medyo kadiri para sa iba, ang balot ay pinakamainam na source of protain basta wag lang sobra.


9.Pansit – Sinasabing namana natin sa mga chino, ang pagkaing ito ay hindi mawawala sa bawat handa-an lalo na sa kaarawan dahil ang pansit daw ang simisimbolo ng mahabang buhay.

10.Litson- Matatangihan mo ba ang mamula-mula at malutong na mga balat nito sabay saw-saw sa tuyo na may kalamansi?

Friday, November 2, 2012

The " best and most of the world" ay ang ilan nasa PINAS!

Sa kabila ng mga negative at worst na bansag sa ilang mga bagay sa Pilipinas, mas maraming mga positive at the best sa mundo na makikita sa sa pinas.

1. World's BEST HOTEL 2012 - Discovery Shores, Boracay, Philippines- Ayon sa travel and leisure.com ang hotel na ito ay  pasok bilang rank number 5 sa pinaka d' best the hotel sa taong 2012 na may 96.77% na score.

2. Best secret beaches on earth - Panglao Island, Bohol, Philippine - Napili din ang islang ito ng travel and leisure.com bilang hindi masyado kilala ngunit may nakatagong ganda at mabansangan bilang isa sa pinaka the best secret beaches on earth.



3. World BEST ISLAND 2012 - Boracay, Philippines- Sa taong ito rank number 1 ang Boracay kategoryang ito. Naungosan niya ang Bali, Indonisia at at ilan pang sikat sa isla sa mundo. Para sa kumplitong listahan sa top 10 sa pinaka the best island 201 marari mo itong makita sa LINK na ito.

4.World' BEST private-island resort - Amanpulo, Philippines - Ayon sa cntraveller.com ang private-island na ito ay world's best. Matatagpuan sa Pamilican Island sa Palawan ang resort na ito ay pagmamay-ari ng Aboitez, Soriano at Aman Resort group.


5. Best strongest economy 2012 - Ang economy ng pinas ang isa sa pinaka malakas at maganda sa taong ito. Ayon deutsche-analyst sa darating na taon 2050 titingala-in ang pinas dahil sa ganda ng takbo ng ekonomiya.

6.World BEST Bank 2012 country winner - Metrobank- Kinilala ang galing ng sariling ating bilang world's best bank sa taong ito. Para sa complete list sa mga nanalo i click lang ang LINK na ito.

7. World BEST BOXERS - Manny Pacquio/ Nonito Donaire - Pasok ang ating 2 kababayan sa top 5 sa the world best Boxer. Talaga naman ang kanilang galing ay hindi matatawaran.

8. World best 7 wonders of naturePuerto Princesa Underground River, Philippines

9. World's best country in business English - Ayon sa news.yahoo.com/ph ang Pilipinas ang the best country in business English at tinalbugan pa nito ang America.

10. 1000 best choirs in the world - 19 na choral groups mula sa ibat-ibang bahagi ng Pilipinas ang pasok sa 1000 best choirs in the world. Rank number 46 ang Kilyawan boys choir nakapagdala na rin ng maraming karangalan sa ating bansa. Para sa listahan sa iba pang choral groups i click lang ang LINK na ito.

Friday, September 28, 2012

10 nakakatawang PAMAHIIN ng pinoy


1.      Kahit gaano ka dumi ang bahay mo, Huwag kang magwalis kapag gabi kasi itinataboy mo daw ang swerte.


2.      Mag-alaga ka na lang ng garapata kay sa mag alaga ka ng itim na pusa, malas daw ito.


3.      Pagsinukat mo ang damit pangkasal mamalasin daw ang ikakasal. Ang totoo ayaw lang nilang ipasukat upang wala ng ibang mapagpili-an ang bride para minus abala at gastos!


4.      Huwag mag regalo ng panyo sa iyong kasintahan, naku paiiyakin mo lang daw ito sa huli. Bakit naman kasi panyo pa, pwede naman diamond ring.



5.      Kailangan mo lawayan sa noo o kaya sa tiyan ang batang kaharutan mo baka kasi daw ma usog. Oo laway talaga!


6.      Huwag mag pa litrato ng tatlo, mamatay daw yung nasa gitna. Ang totoo paraan lang ito ng mga photographer dati para kumita sila ng marami. Pinapalabas nila na malas upang ang tatlong tao magpapalittrato bawat kuha na iba ang kasama, diba?


7.      Maghihirap daw ang pamilya kapag naglalapag ng pera sa hapag kainan. Bakit naman nakarating ang pera sa hapag kainan? Ang dumi kaya niyan.


8.      Pag may pumasok na brown na paru-puro sa bahay mo, may swerting darating. Pagkulay puti may magandang balitang darating. Pag kulay itim may mamatay na malapit sa iyo. Eh kung paru-parong kulay puti na may batik batik na itim at brown ano kaya ang ibig sabihin nun?


9.      Pag dalawa daw puyo, sutil daw ito. Bakit ang kalabaw masunurin at masipag?



10.  Ang batang iyakin paglaki daw nito ay malakas ang loob at masipag. Samantala ang batang tahimik at palatulog paglaki nito ay burara at tamad.


Friday, September 7, 2012

Ang 7 hilig ng Pinoy


Festivals – Mula sa Sinulog, Lanzones, Masskara, Bangus o maging Aswang Festival ang Pilipinas na yata ang bansang napakaraming festivals. Dahil likas sa mga Filipino ang pagiging masayahin, sa mga pagdiriwang na ito ay naipapamalas natin na kahit ano mang pagsubok na duma-an tuloy parin ang buhay dahil araw-araw dapat magdiwang sa mga biyayang galing sa itaas.

Videoke- Hindi ganap ang okasyon kung walang kantahan at maging sa pagkaraniwang araw ang pagbirit sa videoke ang paboritong pampalipas ng oras ng mga Pilipino. Noon pa man,kahit hindi pa uso ang videoke sadyang napakahilig na ng mga pinoy na kumanta. Sa mga fiesta nandiyan ang patimpalak ng pagkanta at maraming mga sikat na mang-aawit sa Pilipinas ang natuklasan dahil sa pagsali nito. Dahil nga sa hilig ng mga pinoy sa kanta inimbinto ng ating kababayan na si Roberto del Rosario ang “Minus-One” noong 1975 na sinasabing naging batayan ng mga Hapones sa kanilang pagkalikha ng Karaoke.

Artista- Karamihan sa mga Pilipino nahihibang sa mga Artista, at mas maraming kabataan ngayon ang mas gustong mag-artista kay sa ano mang propisyon.Kahit bihana o binagyo man, nawasak man ang kabuhayan magdala lang si Mayor ng relief goods na artista ang mag-aabot, naku! tiyak abot tainga na ang ngiti ng nasalantang pinoy. Pag ikaw pulitiko, tiyak dudumugin ang pangangampanya mo kung may bitbit kang Artista sa iyong pagiikot sa Pilipinas, at kung ikaw may produktong nais maibinta kahit wala namang kakwenta-kwenta kumuha ka lang ng sikat na artista na mag indorso nito tiyak ubos yang produkto mo.

Reality Shows- Dahil nga sa hilig ng pinoy sa showbiz at lahat gusto mag-artista at sumikat, patok na patok sa pinoy ngayon ang reality show tulad ng Fear Factor, Pilipinas got talent, Pinoy Big Brother at kung ano-ano pa. Napakahilig nating maki usyoso sa buhay ng may buhay at gusto nating pag-usapan at subaybayan ang kaganapan sa harap ng ating telibisyon. Likas na sismoso ang pinoy kaya naging phenomenal reality show sa Pinas ang Pinoy big brother.

Malling- Nagsulputan ang ibat-ibang Mall ngayon sa Pinas at halos lahat na bagay nasa loob na ng mall makikita. Kahit naman walang pera basta makagala lang sa mall ayos na. Biruin mo, malamig na komportable ka pa at mas “IN” ito kay sa gumala ka sa Musuem o sa Park. Mula sa isdang tilapia hanggang sa mamahaling barong makikita mo dito. May ilang mga mall pa nga na may mga Technical schools sa loob at ang katabi pa ay Game arcade. Ayos! At may mga mall pang nagdadaos ng Sunday Mass sa loob mismo ng mall habang ang isang nanay ay hindi makapakinig ng maayos sa sermon dahil habol sya ng habol sa anak na gustong pumasok sa loob ng Jollibee. Ay naku!

3 days sale- Kapag ito ang nagaganap tiyak ang matinding traffic ang iyong daranasin. Hibang na hibang ang mga pinoy sa mga sale na ito. Siksikan, pilahan, maging dukutan ay kadalasang nangyayari sa ganitong panahon. Hindi naman lahat na pumunta sa mga sale na ito ay talagang mamimili ang iba sa kanila ay mga masasamang loob na naghahanap lang ng tiempo kung kaylan titira, dahil nga habang parami na parami at pasikip na pasikip palapit na palapit din ang pagkakataon para ang mga ito ay makabiktima.

Deadlines – Mahilig ang karamihang pinoy sa “a bukas na lang yan” kaya tuwing deadline saka pa nagkukumahog na gawin ang lahat na bagay na sabay-sabay. Pag may disconnection notice na saka pa magbabayad, pag huling araw na sa filling saka pa mag papa file. Ang masama, ang lahat na pinoy na ganito ang kasipan ay magkasa-sama sa parahong lugar at araw kung kaylan ang dealine, kaya, imbis na magmamadali ka mas lalo kang naantala sa sobrang haba ng pila ng mga pinoy namahilig sa deadlines.

Thursday, September 6, 2012

Ang 10 pinakamayamang Siyudad sa Pilipinas sa taong 2012


1     Quezon City - P9,481,843,421 average annual income


2.     Makati City -  P8,506,297,825



3.     Manila City -  P7,947,958,242




4.     Pasig City - P4,542,992,364





5.     Davao City - P3,534,206,628




6.     Cebu City - P3,347,869,301




7.     Caloocan City - P3,064,732,758




8.     Paranaque City- P2,977,948,388




9.     Muntinlupa City - P2,448,908,683




10.  Taguig City - P2,281,171,091



Source: