Ang kulang daw sa pag-kaing pinoy kung kaya hindi ito ganun
ka kilala tulad ng mga pagkain sa Thailand, Japan at Italy ay ang presentation. Ngunit ganun pa man ang
mga pagkain na ito ay pag iyong natikman ay may kakaibang lasa na iyong
balik-balikan. Ang sumusunod ay ang all
time favorites ng mga pinoy na tiyak na hindi ninyo matatangihan.
1.Adobo – Ang masasabing
pambasang ulam. Hindi ka matatawag na pinoy pag hindi mo ito natikman at
nagustuhan.
2.Halo-Halo –
Talagang makulay ang buhay ng pinoy at ito ay iyong makikita sa bawat serving ng halo-halo.
3. Pinakbet – Ang pinaka
healthy na pagka-ing pinoy na kahit sa-ang
dako sa pilipinas ito ay kinagigiliwan.
4.Puto’t Dinuguan-
Kahit ipinagbawal para sa iba, ngunit ito ay naging basihan kung bakit masarap
ang bawal.
5. Banana Q- Ang
pinakakilala snack sa pinas. Mula sa
kanto hanggang sa mga canteen sikat
ang saging na ito.
6.Inasal- Bago pa
man na uso ang unlimited rice sa Mang
Inasal, ang pagka-ing ito ay patok na sa matagal na panahon sa mga lansangan
lalo sa Visayas at Mindanao.
7. Bagoong at manggang
hilaw – Naku sa larawan palang tiyak maglalaway kana.
8.Balot – Kahit
medyo kadiri para sa iba, ang balot ay pinakamainam na source of protain basta
wag lang sobra.
9.Pansit – Sinasabing
namana natin sa mga chino, ang pagkaing ito ay hindi mawawala sa bawat handa-an
lalo na sa kaarawan dahil ang pansit daw ang simisimbolo ng mahabang buhay.
10.Litson-
Matatangihan mo ba ang mamula-mula at malutong na mga balat nito sabay saw-saw
sa tuyo na may kalamansi?